Ikaw ang Destiny ko (Chapter 1 )

Year 1997

Margaux’s POV

Nasa bahay ako ngayon nila Justin dahil wala akong kalaro doon sa parlor. Si Justin lang kasi ang bata sa lugar (San Mateo) na to na gustong makipaglaro sa akin. Si mama naman ay laging busy sa parlor namin.. magkatapat lang naman ang bahay nila Justin at parlor namin kaya ok lang kay mama na nasa kanila ako. Eh sa gusto rin naman ako ng mama nya kasi ang cute ko raw (hahaha) sarap daw kurutin sa cheek..eh ang sakit kaya >.<

Hoy Justin, halika na..doon tayo sa may puno…dali!!!

( teka lang… may kukunin lang ako sa loob ng bahay)

tagal naman

(coming!!!)

oh bakit ba ang tagal mo? ano ba yan?

(drawing ko…gusto mo edrawing din kita?)

talaga? sige sige gusto ko nyan

(sisiw…)

At pagkatapos ng pag guhit nya sa akin..

smile ako ng smile kahit wala akong ngipin sa gitna… kasi naman ang hilig ko sa mga matatamis since 3y.o palang ako hanggang ngayong 7y.o na ako…

Justin, matagal pa ba? nakakangalay na eh..

(Oo tapos na.. ang ganda mo oh.. yeee)

excited ako..patingin?

(heto…) bigay nya sa akin sabay tawa ng pagka lakas lakas..

eh..hindi naman ako yan eh.. onggoy naman yan!!! >_<

(ai nakuuuu ikaw yan noh.. nalimutan mo na ba na onggoy ka? ang hilig mo kaya sa saging? )

umiyak ako ng pagka lakas lakas….kainis kasi si Justin eh..crush ko pa naman siya 😥 tapos onggoy lang ang tingin nya sa akin!! T_T

mama!!!!!!! huhuhuhuhu
At lumabas ang ina ni Justin..pinagalitan siya dahil sa kanyang ginawang kalokohan sa akin..

eh sa iyakin talaga ako eh.. kinuha ako ni mama kasi oras na din ng uwian.. uuwi na kame sa aming bahay.

 

A week after that, may malaking problema pala si mama kaya nya ibinenta ang parlor namin at lumuwas kami noon sa aming probinsya. Hindi man lang kame nagkabati ni Justin at nakapagpaalam sa kanila ng mama nya. How sad diba?

 

——–
JUSTIN’s POV
hay naku!! kainis talaga yung batang iyon.. eh sa binibiro ko lang naman siya na mukha siyang onggoy! >< napagalitan tuloy ako ni mommy… pero bakit ba hindi ko na sya nakikita at nakakalaro? galit pa rin kaya sya sa akin? 😦

——————–
YEAR 2006
Gau (a.k.a Margaux’s POV

Fourth year high school na pala ako? hay ang buhay talaga kay bilis… graduating na naman ako., sana valedictorian na naman ako ngayon gaya noong Grade 6 pa ako.. yayswerte talaga na magiging boyfriend ko.. maganda na, matalino pa…hahaha! naks naman..ang kapal ko di ba? eh ano ngayon..totoo naman kahit na supladita ako.. basta matalino’t maganda ako! hahaha

Nakabalik na pala kame sa San Mateo.. noong 1st year high school palang ako.

(HoY, kambing..wag kanang mag daydream na naman dyan!! ) sigaw ng bestfriend kong so Renjie.

Ay anak ng tipaklong! wag ka ngang manggulat!! nabitiwan ko tuloy ang pen ko..

Nasa loob kami ng room namin..wala pa ang teacher namin eh kaya ang ingay ng klase.. pero heto ako..daydream na naman//hehehe
(wag manggulat???eh ikaw kaya dyan ang hindi nakikinig sa akin! Tinatanong kita kung gusto mo bang sumali doon sa camping ng mga boy scouts next week? sasama ako pag kasama ka… remember plus points yun sa grades mo pag sumali ka.. di dahil rover scout kana may points ka na.. dapat ka ring sumali sa mga activity..)
wow? ganun??? baka ikaw dyan ang excited kasi maraming boys? akala mo d ko alam ang nasa loob ng kukute mo oiii.. wais to ineng! hahaha… grades2x daw ohh..

(hellloooww? ako lang kaya itong concern dyan sa grades mo, di ba gusto mong maging Valedictorian? baka akala mo d ko yun alam… cge bahala ka… hayaan mong si Kit ang makasungkit nun..sasali pa naman sya sa camping.. mataas pa grades nya sa test..sasali pa sya..eh ikaw???)

 

aba!! hoy ang sama mo babae ka..bestfriend ba kita? o kay kit ka na pumapanig ha?hay nakuuu , cge na…uu na,,sasali na ako..sana nga lang may pera si mama ngayon. hay naku buhay!

————————————–
At nakasama nga kami ni Renjie sa camping…ang layo pa talaga. >_<
Day 1 camping:

Maraming boys hah.. –ako

eh sa BSP encampment nga eh..gaga ! hehehbestfriend

oo nga..sabi ko nga.. –ako

 

At biglang nagsalita si Sir…
rover scouts at eagle scouts., hali muna kayo..

Tomorrow, we’ll have our production number.. may 10 group. Sa isang division may 5 schools…so tayo ay nasa South division so ihahalo tayo sa Boys Academy, Sta. Lucia Gardenville School, Ox high at Loghvig High Academy. Mamayang 3pm may practice… so, ngayon tatawagin ko ang pangalan na sasali sa production bukas.

1.Renjie Secos

(ayyyy ako yun!! yesss!!! ) – sigaw ni Renjie

kinurot ko sya sa tagiliran..kahit kailan nga naman..ang kulit talaga >_<

Daryll, Jaymes, Jane, Mia, Jerald at Gau.

(naman, nasali pa ako! >_< ) – ako

 

3PM
Magkakasama kami ngayong pito na naglalakas papunta sa assembly hall..

Hi gau, miss you..love you.. hehe., kumusta na pala ang panliligaw ko sa yo? -tanong ni Jerald, ang manliligaw ni Margaux na isang FilAm pero marunong magtagalog.

tse! tigilan mo ako hoy abnoy ha..wag na wag mo akong ma aaylabyu jan at baka bogbog sarado ka sa akin!!! –ako

Sungit at suplada ka talaga Gau kaya lab kita eh- hirit pa nito

aissst!! kainis talaga.. ewan ko sayo…-ako

Hoy magtigil na nga kayo sa paglalambingan dyan at nandito na tayo – Daryll ang leader ng Eagle Scouts
Sa Assemby Hall

wow ang raming gwapo- Renjie

OO nga 0_0 sambat ni Jane

aiii ang raming yummy hah – landi naman ni Mia

Hoy Mia, magtigil ka nga..may bf ka na! –sigaw ni Jaymes

TSe! wala akong bf noh..sino naman yang bf na sinasabi mo?- mia

AKO! –jaymes

Kaming lahat natulala sa sagot nya.

-_-

 

yuckmia

PST.wag kayong maingay – ako

napatingin ako bigla sa banda na tumtogtog ngayon.. yung drummer O.o
ang cuteeee….

 

cute nya..
parang,,,
nakita ko na sya dati…
pero d ko matandaan…
wow…Lord?
love at first sight na ba ito??
O.O

 

wow.. ang gwapo nya! -_-
ang galing nyang mag drum…
ang

lips nya
ag sarap halikan

 

.
.
.

at sapak!!!
aray~! – ako

bakit mo ba ako sinapak! sakit kaya?ako

eh sa napatulala ka na dyan eh..tinawag na yung pangalan mo, naku! –renjie

last ka na renjie ah..nakakarami ka na- ako

nahiya naman ako…

lumakad na ako papunta sa gitna kasi pinapupunta kame doon sa gitna.. kaso heto na naman ako…
d ko mapigilang d sya titigan…ang gwapo nya… (ang landi ko na ata?) ><

 
Ano kayang pangalan nya? hmm.. bakit palagi syang nakasimangot..gwapo pa naman.. hmm d bale, ako na ang magpapngiti sa kanya hahaha..kapal ko lang. Dont worry my prince narito na ang iyong princesahahaha
Day 2
Production number.

Nasa likod kame ng stage habang naghihintay na tawagin kame.. naka upo ako ngayon habang hinihintay si Rejie sa C.r. ng biglang may huminto sa harapan ko.. si gwapo..

hala… bakit narito sya sa harap ko?
ahmehged!!! siguro hihingin nya ang number ko? wowwww
MIss??
ako (TULALA)

miss?

ah..09128769568 wag ka munang magtext wa akong load ngayon eh.. –ako

ha? kapal mo naman miss..hindi ko hinihingi number mo., kukunin ko lang yang upuan na inuupuan mo kasi yan ang upuan ko -si mr.pogi
haaa? ah eh.. sorry… sorry..heto na oh- smile pa ako sa lagay na yun ah…
loka-loka -sabi nya habang papalayo.
wow kinausap nya ako? wow….-pero kahit medyo sungit sya…gusto ko parin sya….maging boyfriend at maging husband..waahhhhh ang landi ko na >_<
natapos na ang production namin,,pero ako heto hindi mapakali…

ui bes?anong problema? –taning ni renjie

eh kasi bes., inlab na siguro ako? as in lab at pers sayt yata ako sa lokong gwapong iyon eh… –ako

sino ba?renjie

eh yung gwapo ba..d ko alam pangalan… yung drummer – ako

ha?yung si sungit? si Jm yun.pinakamasungit sa banda…at over all leader scout sa south division..d mo kilala? naku naman! –renjie

JM…JM… bagay sya maging bf ko..-ako

tse! ano ba naman yan gau..natamaan ka na yata eh.. –renjie

oo nga eh..tamang-tama huhuh, gusto ko siya..ano ba ang gagawin ko? –ako

hui, iha..hinay hinay lang..wag ka ngang easy girl dyan..kelngan sya ang uuna sa iyo -renjie

eh parang di nya ako type eh..sa ganda kong to..wa epek -ako

naks naman, masungit nga eh.. buti pa hingin mo nalang ang number nya sa kakilala ko na ka groupmate nya -renjie

TALAGA???-ako nabuhayan ng pag-asa.

oo..bukas.. ibibigay ko sa iyo.. type ko rin yong kaibigan nya eh.. heheherenjie

HAHAHA. naku kelan ka pa walang type eh lagi naman meron -ako
——————

DAY 3
09324567867 JM

saved.
nakaphonebook na sya.. kaso sun sya eh ako smart..naku naman.. bibili ako ng sun sim soon. wait ka lang Jm ah…magtetextmate tayo hahaha
——————————————————–
Natapos rin ang camping..d ko man lang nakausap si Jm.. ang sungit nya eh.. 😦 pero ok lang may number naman ako hahaha

Nasa sala ako ng magsalita si mama…

Margaux, nagkita ba kayo ni Justin doon sa camping? kasali ata sya doon…nagkita kame ng mommy nya sa mall noong isang araw.. –si mama
Justin? Sino pong Justin mama – ako

Yung kalaro mo dati noong bata ka pa – mama

ah–naku naman ma..ang raminung lalaki.. at tsaka nalimutan ko po ang mukha ni Justin eh..d kasi ako nakakuha ng picture nya noon.. -_-
habang nagsasalita si mama, d na ako nakikinig kasi busy na ako sa pagtetext..
ME: HI 🙂

message sent.

3mins

15mins
30mins.

45mins
1message received
JM: who r u?

napangiti ako sa reply nya..akala ko d talaga sya magrereply..

me: si justin ba ito? 🙂

20mins

1message received

yea.and u r?

ME: I’m Gau, the girl u met sa stage.. 🙂

him: i dont remember..

me: its ok.. 🙂 how r u?

at d na sya nagreply.. :/
kainis naman oh..bumili pa naman ako ng new sim sa sun para magkatext2 kame..
before ako natulog..nagtext na naman ako sa kanya..

goodnight JM 🙂
6mins
10mins

 

1message received
napatalon ako sa tuwa
09324374874 : night bes, eto pala sun number ko..save mo ah..see yah -renjie 🙂

ai.. si bestfriend lang pala
😦
Every day akong natetext kay Jm ng mga inspirational quotes..kahit hindi sya nagrereply…
after 3months of texting him…
1 message received
JM :hahaha
hala..nagtext bigal..katakot..parang baliw biglang tumawa sa text?

O.o
me: huh?

at nagpalitan na kame ng text..isang HIMALA LORD?
jm: musta?
me:ok lang.. miss kita..
jm: haha
me: ang kuripot mo sa text..
jm: ok lang yan,
me: wud?
jm: nakahigaw lang, naghihintay sa text ni gf
me: aray! may gf ka na?
jm: obvious ba? ang gwapo ko kaya natural meron.. 😛

oo nga , tama sya..wow broken hearted ako T_T

me: ah ganun ba..swerte nya 😛

jm: yea.. ikaw?

me: ako?
jm: yea may bf ka?
me: ah wala.. hehe NBSB
jm: ah kaya pala
me:anong kaya pala?

jm: wala.. hehe

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

2 Responses to “Ikaw ang Destiny ko (Chapter 1 )”

  1. that was funny!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: